Kamara pinapahuli gumagamit ng plakang ‘8’

Itinanggi ng Kamara de Representantes na naglabas sila ng mga plakang numero '8', at nagpaalala sa mga awtoridad na hulihin ang motorista na gumagamit nito.

Itinanggi ng Kamara de Representantes na naglabas sila ng mga plakang numero ‘8’, at nagpaalala sa mga awtoridad na hulihin ang motorista na gumagamit nito.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nakipagkasundo na ang Kamara sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang hulihin ang mga tsuper na nagmamaneho ng sasakyang number ‘8’ lang ang plaka.

Bukod pa rito, ipinaguutos din ng Kamara na kumpiskahin ang mga ilehitimong plaka na ito.

“We urge all individuals to comply with the law and refrain from engaging in such activities. We expect all Members [of the House] to uphold the highest standards of integrity and adherence to the law,” saad ni Velasco.

Nitong linggo ay sumuway ang sasakyan ni Sen. Chiz Escudero na may plakang number ‘7’ nang dumaan ito sa EDSA busway.

Paliwanag ni Escudero, hindi siya ang sakay ng sasakyan nang mangyari ang insidente. Ang nagmamaneho umano nito ay driver ng kanyang kaanak.