Kamara palakpak sa paglabas ng emergency allowance ng health workers

Pinuri ng tinaguriang Young Guns sa Kamara ang mabilisang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Budget Secretary Amenah Pangandaman sa P27.4-bilyong pondo sa COVID-19 emergency allowance ng mga healthcare workers.

Ayon sa mga mambabatas, patunay lamang ang paglabas ng pondo sa pagtupad sa pangako ni Marcos na suportahan ang mga health workers at pagtibayin ang healthcare system sa bansa.

Saad pa nito, makakatulong ang pagbayad ng allowance claims sa mga health workers sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Umaasa naman ang mga mambabatas na mapapataas ng nasabing inisyatibo ang morale ng mga healthcare workers upang mas ipagpatuloy pa ang kanilang tungkulin sa mamamayang Pilipino.

Kasama sa Young Guns bloc ng Kamara sina Representatives Jay Khonghun (Zambales), Paolo Ortega V (La Union), Rodge Gutierrez (1-Rider party-list), Jil Bongalon (Ako Bicol party-list), Mika Suansing (Nueva Ecija), Joel Chua (Manila), Migs Nograles (PBA party-list), Cheeno Miguel Almario (Davao Oriental), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur), at Inno Dy V (Isabela).