Kamara isusulong pagkakaroon ng ligtas na pantalan sa WPS

Magsasagawa ang House of Representatives ng panukalang batas na magtatayo ng mga palaisdaan at pantalan sa siyam na teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) at Philippine Rise.

Magsasagawa ang House of Representatives ng panukalang batas na magtatayo ng mga palaisdaan at pantalan sa siyam na teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) at Philippine Rise.

Base sa House Bill 9011, ang mga lugar na kabilang sa magiging ligtas na lugar ay ang Lawak, Kota, Likas, Pag-asa, Parola, Panata, Patag, Rizal Reef, at Ayungin Shoal.

Ayon sa Kamara, magsisilbing taguan ang mga lugar na ito para sa mga mangingisda sakali mang magkaroon ulit ng aberya sa dagat.

This measure can sustainably ensure and send a loud message that the WPS and the Philippine Rise are ours,” pahayag ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee, nagsulat ng naturang panukala.

“Our territorial waters are vulnerable, so are the lives of our fishermen — our food security soldiers,” dagdag pa nito.