Kamara ipapadampot na si Quiboloy!

Kinasa na ang contempt order sa Kamara para kay Pastor Apollo Quiboloy.

Kinasa na ang contempt order sa Kamara para kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises vice chairperson at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, pinatupad na ang contempt para dalhin si Quiboloy sa House of Representatives.

Matatandaan na noong March 12 ay inatasan na ang sergeant-at-arms ng Kamara na makipag-usap sa law enforcement para dalhin si Quiboloy sa Kamara.

Ngunit humiling pa ng palugit ang abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio, na napaso na nitong Huwebes.

Ayon kay Pimentel, hindi na umano nakipag-ugnayan sa kanila si Topacio.

“As expected, no feedback. I knew from the very beginning it was just delaying tactic,” ayon kay Pimentel.

Sa Kamara, iniimbestigahan ang tungkol sa pagpapa-revoke o pagbawi ng prangkisa ng SMNI, kung saan ilang beses nang inimbitahan si Quiboloy ngunit hindi ito dumadalo sa pagdinig.