Kamara hindi bulag sa sakripisyo ng mga sundalo – Romualdez

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na magpapatuloy ang Kamara sa pagpasa ng mga batas na susuporta sa sandatahang lakas.

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na magpapatuloy ang Kamara sa pagpasa ng mga batas na susuporta sa sandatahang lakas.

Sa ginanap na Luzon leg ng House of Representatives-Armed Forces of the Philippines (AFP) fellowship sa Clark Freeport nitong Huwebes, sinabi ni Romualdez na ang paglikha ng makabuluhang mga batas ang kanilang sukli sa kabayanihan ng mga sundalo.

“Your sacrifices have not gone unnoticed, and it is our duty to ensure that you are supported in every possible way,” wika ni Romualdez.

“Your dedication enables the peace and security that allows our nation to thrive. Rest assured, the House of Representatives, and I personally, are unwavering in our commitment to support and honor the sacrifices of our uniformed personnel. Just as you have steadfastly served our nation, we pledge to steadfastly support you,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa mambabatas, ilan sa mga inaayos nila ngayon sa Kamara ay ang pension system ng mga sundalo, legal assistance, at pagtatayo ng dekalidad na clinic sa mga AFP unit na nasa mga lalawigan.