Kamara, handang buhusan ng pondo ang DICT kontra cyber attack pero dapat gastusin ito ng tama — House appro chair Zaldy Co

May pagkukuhanan na pondo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para magamit laban sa mga cyber attack, ngunit kailangan rin pagtuunan ng pansin ng ahensya ang mababang paggastos nito ng 2023 budget nito, ayon kay Rep. Zaldy Co.

Patuloy pa rin ang Kamara sa pagrepaso ng budget ng gobyerno para sa susunod na taon, at tinitingnan na nito kung paano pa mabibigyan ng kaukulang pondo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang labanan ang mga cyberattacks, ayon kay House appropriations committee chair Rep. Zaldy Co.

“We recognize the dire need of the DICT for resources to fight cybercrime and ransomware attacks. We will work with our colleagues in the Senate to look for more sources of funds for the DICT,” ayon kay Co, na tumatayo ring kinatawan ng Ako Bicol Party List.

“For the continuing ransomware attacks, we convey to the Department of Budget and Management the urgent need for additional funds for the DICT and for government agencies being attacked and vulnerable to cyberattack,” ani Co.

Ayon kay Co, makakakuha pa ng karagdagang pondo ang DICT sa ilalim ng unprogrammed fund ng kasalukuyang taon para magamit nito laban sa mga cyber attacks.

Maaari rin kuhanin ang karagdagang budget mula sa savings upang ipangdagdag sa IT security ng gobyerno, ayon kay Co.

Kinastigo ng Kamara ang DICT sa mabagal at mababa na paggastos nito ng pondo para sa kasalukuyang taon. Mayroon itong P14 bilyong pondo para sa 2023, ngunit 6% pa lamang ang nagagamit nito.