Kamara ginaya Charter reform ng Senado

Naghain ang House of Representatives ng resolusyon ng kanilang bersyon ng economic constitutional amendments, na kapareho ng proposal sa Senado.

Naghain ang House of Representatives ng resolusyon ng kanilang bersyon ng economic constitutional amendments, na kapareho ng proposal sa Senado.

Ipinasa ng Kamara ang Resolution of of Both Houses (RBH) No. 7, na kapareho ng nilalaman ng Resolution of Both Houses no. 6 ng Senado.

Ito ay akda nina House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, at House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe.

“Our RBH proposals are in toto to the Senate RBH. Parehong pareho po,” wika ni Gonzales.

Ito’y para matuloy na ang isinusulong na pagbabago ng economic provisions sa 1987 Constitution.

“Kailangan na rin namin pag-usapan ang mga proposed amendments at sabayan ang Senado para mapabilis ang proseso lalo na ang target ng Senado sabi ni Senate President Migs ay matatapos nila bago mag Holy Week,” saad pa ni Gonzales.

Nilinaw din ni Gonzales na tanging economic provisions lang ang nais amyendahan ng mga kongresista.

“Allow me to make it clear, this Administration’s position in introducing reforms for the Constitution extends to economic matters alone, for those strategically aimed at boosting our economy. Nothing more,” wika ng mambabatas.