Kamara determinado maisulong Cha-cha

Determinado ang House of Representatives na maisulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Charter change o Cha-cha.

Determinado ang House of Representatives na maisulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Charter change o Cha-cha.

Ito ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez matapos lumabas ang isang survey kung saan 52 porsyento ng Pinoy ang pabor sa pagbabago.

Saad ni Romualdez, mas lalo umano silang nahikayat sa gagawing pagbabago dahil ipinapakita lang ng survey na ito ang lumalagong pagtanggap ng mga Pinoy na isaalang-alang ang mga benepisyo ng reporma sa Konstitusyon.

“We are determined to sustain this momentum and collaborate with all parties involved to realize the constitutional amendments that will pave the way for a more prosperous, just, and equitable future for the Philippines,” ani Romualdez.

“As Speaker, the positive feedback and growing support from our constituents fortify my conviction in the vital mission to refine and enhance our constitutional framework. It propels us to advance our legislative responsibilities with increased dedication and resolve,” dagdag pa nito.

Samantala, pumasa na sa huling pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 noong nakaraang linggo.