Kamara aprubado ‘divorce bill’

Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlong at huling pagbasa ang House Bill No. 9349 o ang Absolute Divorce Act.

Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlong at huling pagbasa ang House Bill No. 9349 o ang Absolute Divorce Act.

Sa ginanap na session plenary ngayon Miyerkoles, nasa 126 kongresista ang bumoto pabor sa naturang panukala, 109 ang bumotong laban, habang 20 ang nag-abstain.

Ayon sa pangunahing may akda ng naturang panukala na si Albay Rep. Edcel Lagman, tanging ang Pilipinas na lang ang bansa sa mundo bukod sa Vatican kung saan ang diborsyo ay patuloy na ilegal.

“This is a clear and resounding victory and signals the imminent liberation for Filipino wives who are entombed in toxic, abusive, and long-dead marriages,” ani Lagman.

Binibigyang pagkakataon ng divorce bill ang isang indibidwal na mag-asawa muli upang makamit ang kaligayahan sa kasal.

Samantala, nilinaw ni Lagman na ang diborsyo ay hindi para sa lahat; ito ay para sa mga may katanggap-tanggap na dahilan, at dapat suriin ng tamang korte.