Kalma, mga mamsh! DTI: Walang ‘rice emergency’; sinigurong may sapat na supply na paparating

Hindi pa umaabot sa isang “emergency” ang kasalukuyang sitwasyon sa supply ng bigas, ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual.

“I think we are not in a rice emergency, so to speak. I don’t think the situation is getting worse, and we’ll see.”

Ito ang sagot ni Trade Secretary Alfredo Pascual nang tanungin siya sa kanyang pananaw sa kasalukuyang sitwasyon kung saan nagpatupad ng takdang presyo sa bigas ang gobyerno noong isang linggo.

Kampante naman si Pascual na mas magiging stable pa ang presyo ng bigas kapag nagsimula na ngayong buwan ang anihan ng palay.

“(But) I’m confident that the harvest season is commencing. We’re looking at harvesting 5 million metric tons of rice between now and the end of October,” paliwanag ng kalihim.

Tinanong si Pascual sa kanyang panig ukol sa isang panukalang inihain sa Kamara na naglalayon na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na magdeklara ng national rice emergency. Inihain ang panukala ni Marikina Rep. Stella Quimbo noong Setyembre 5, nang ipinatupad ang takdang presyo ng bigas sa bisa ng Executive Order No. 39.

Ayon kay Pascual, patuloy ang monitoring ng Department of Trade and Industry sa presyo ng bigas, at sinusuyod ng mga tauhan nito ang iba’t ibang mga merkado sa pakikipagtulungan sa mga local government units at mga pulis.

Aniya, epektibo ang hakbang na pagtakda sa presyo dahil ginawa nitong abot-kaya ang bigas, na karaniwang pagkain ng Pilipino.

“Yes, we are able to make our rice available to our mass consumers at P41 per kilo for regular well-milled rice, and P45 per kilo for well-milled rice. I think that’s what’s important,” ani Pascual.

“It’s a solution that’s called for, given the circumstances,” dagdag niya.