Kalma ka lang, Bato: Parliamentary courtesy, dapat umiral sa usapin ng mga resolusyon tungkol sa ICC – mambabatas

Kung papayagang mag-imbestiga muli ang ICC sa madugong drug war ng nakaraang administrasyon, malamang na isa si dela Rosa sa mga iimbestigahan dahil sa kaniyang papel rito.

Humingi si Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng parliamentary courtesy kay Senador Ronald dela Rosa patungkol sa pagtalakay ng Kamara sa mga resolusyong humihimok sa pamahalaan na muling sumama ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

“We respect the opinion of Senator Bato de la Rosa, but we ask for parliamentary courtesy from our esteemed colleague in the Senate,” saad ni Gonzales sa isang pahayag.

Una nang sinabi ni dela Rosa na ginagawang armas ng House of Representatives ang mga resolusyong patungkol sa ICC, kahit pa nilinaw na ni House Speaker Martin Romualdez na trabaho ng Mababang Kapulungan na talakayin ang lahat ng resolusyong isusumite ng mga mambabatas.

BASAHIN RIN: Ipipila gaya ng lahat: Resolusyon patungkol sa ICC, tatalakayin bilang normal na panukala lang — mambabatas

“As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members regardless of political affiliations in the same manner that the Senate takes action on measures presented by senators,” dagdag pa ni Gonzales, na pangalawa lamang kay Romualdez sa Kamara.

Matatandaang unang nakilala si dela Rosa sa madugong drug war ng nakaraang administrasyon.

BASAHIN RIN: ‘We will follow’: Desisyon ni PBBM sa ICC ang susundin ng Kamara—Romualdez