Kalma! Balikatan Exercises hindi paghahanda sa giyera – NSC

Nilinaw ng National Security Council (NSC) ngayong Sabado na hindi paghahanda sa isang digmaan ang gaganaping Balikatan Exercises.

Nilinaw ng National Security Council (NSC) ngayong Sabado na hindi paghahanda sa isang digmaan ang gaganaping Balikatan Exercises.

“War is off the table,” saad ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya.

Ang pahayag ni Malaya ay bilang pagkontra sa pagkabahala ng China sa pagpapadala ng US ng medium-range missile system sa hilagang Luzon.

Bukod pa rito, ang grupong P1NAS ay nangamba na ang pagpapadala ng missile launcher sa Pilipinas ay maaaring magpahayag ng paglaban sa China.

Samantala, una ng sinabi ni Balikatan 2024 Executive Agent Col. Michael Logico na idaraos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naturang pagsasanay nandiyan man ang banta ng China o wala. Ang Balikatan 2024 ay ang ika-39 na pagdaraos ng aktibidad sa kasaysayan.

“The purpose of an armed forces—why we exist—is really to prepare for war. There’s no sugarcoating it. That’s absolutely true… With or without China, let’s say for example in a parallel universe China did not exist, we would still be doing these exercises,” wika ni Logico.

Ang ilang pagsasanay sa Balikatan 2024 ay gaganapin sa hilagang Luzon.