Kaligayahan ni mister, pinutol ni misis!

Kulong ang isang 55 anyos na ginang sa Baguio City matapos nitong putulin ang ari ng kanyang mister.

Kulong ang isang 55 anyos na ginang sa Baguio City matapos nitong putulin ang ari ng kanyang mister.

Batay sa police report, nagawa ng ginang ang pag putol sa ari matapos daw mamali nang banggit ng pangalan si mister habang sila ay nagtatalik.

Sa halip na pangalan ni misis, pangalan daw ng hinihinalang kabit nito ang kanyang nabanggit.

Bago ang krimen, magkainuman pa silang dalawa subalit ibang nababae na ang palaging nababanggit ng biktima.

“Buti pa yung isa ganito, na-mimiss ko na yung isa, sabi niya,” sabi ng ginang.

“Hanggang sa pagtulog namin, maglalaro kami, tapos yung babae ang binabanggit niya,” aniya.

Sinubukan pang tumakas ni misis pero kalauna’y bumalik din at sumama na sa mga pulis.

Samantala, dati na raw nyang sinampahan ng reklamo ang kanyang mister dahil sa palaging pambubugbog sa kanya.

“Yung karapatan ko lang bilang babae ang pinaglalaban ko ngayon… Kabayaran niya yan po, kung may kasalanan siya, may kasalanan ako. Alam na alam niya yan,” sabi ng ginang.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Baguio City Police station 9 ang ginang at nahaharap sa kasong mutilation, habang naikabit na ang naputol na ari ng kanyang mister at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.