Kalalakihan nanghaharang sa kalsada para magbenta ng sabon, arestado sa Sorsogon

Dinakip ng mga awtoridad ang 11 katao sa Sorsogon City dahil sa panghaharang sa mga motorista para pagbentahan ng sabon.

Dinakip ng mga awtoridad ang 11 katao sa Sorsogon City dahil sa panghaharang sa mga motorista para pagbentahan ng sabon.

Ayon sa ulat, isinumbong ng mga motorista ang gawain ng grupo.

Batay sa imbestigasyon, paparahin ng isa sa kanila ang motorista. Sa oras na huminto ito, papasok na ang iba pa nilang kasama upang kumbinsihin ang motorista na bilhin ang kanilang produktong sabon.

Wala raw permit ang grupo at wala ring dokumento ang kanilang ibinebenta.

Kaya naman, kakasuhan sila ng swindling.