Kalabaw lang tumatanda: Tatay na 61 at nanay na 41, nakabuo pa ng triplets!

Mag-asawang Romulo Perez 61 at Cecilia Macam 41 anyos na taga Barangay Bega, San Carlos City, Pangasinan nakapag silang ng triplets.

Mag-asawang Romulo Perez 61 at Cecilia Macam 41 anyos na taga Barangay Bega, San Carlos City, Pangasinan nakapag silang ng triplets.

Isang pagpapatunay na “Age is just a number,” dahil kahit may malaking agwat sa edad, nagkaroon pa rin sila ng tatlong sanggol na supling.

Si Cecilia Macam, 41, at ang kanyang asawang si Romulo Perez, 61, ay biniyayaan ng hindi inaasahang triplets na ayon sa mga residente sa Brgy. Bega ay isang tunay na pagpapala para sa mag-asawa ang pagkakaron ng malulusog na triplets.

Ayon sa isang panayam kay Cecilia, ang kanyang panganay na si Althea ay iyakin, habang ang ikalawa na lalaki na si Altheo ay playful. Ang bunso namang si Athena ay tahimik.

“Hindi ko expect na ganitong tatlo, nabigla ako noong nag-ultrasound siya. Masaya naman ako na lumabas sila, masaya na tatlo ang ibinigay,” pagsasalaysaly ni Cecilia.

Ani Cecilia, nalaman niyang tatlo ang nasa sinapupunan niya noong limang buwan na siyang buntis.

Biyudo’t biyuda na sina Romulo at Cecilia nang magkakilala. May pitong anak si Romulo sa unang asawa habang may anim naman si Cecilia. Ngayon, may 16 na silang anak dahil sa pagdating ng kanilang triplets.

Ang paggawa ng mga bamboo basket ang ikinabubuhay nilang mag-asawa. Umaasa naman silang lumaking malusog, mabait at may takot sa Diyos ang kanilang mga anak.