Kalabaw lang ang tumatanda! Pacquiao, 44, G na G mapasama sa 2024 Paris Olympics; ginto ang puntirya

Naniniwala pa rin si Manny Pacquiao na kaya pa rin niyang masungkit ang gintong medalya sa boksing sa 2024 Paris Olympics kahit pa 44-anyos na ito. Iyan ay kung papayagan siya ng mga organizers na lumahok.

Bagaman 44 anyos na, naniniwala si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na kaya pa rin niyang masungkit ang pinakakaasam nitong gintong medalya kung mapapasama siya sa 2024 Paris Olympics.

“I believe that age is not a barrier to fulfill our dreams. A clear heart and mind always finds its way to realize our dreams,” sabi ni Pacquiao sa isang pahayag. “I believe that it is not too late to fulfill my dream of bringing home a boxing gold medal from the Olympics for the Philippines.”

Kaugnay nito, pormal nang naghain ng request ang Philippine Olympic Committee (POC) sa International Olympic Committee (IOC) na payagan si Pacman na lumaban sa Paris sa pamamagitan ng universality rule nito gawa nga ng lampas na sa age requirement ang dating senador para lumaban sa mga qualifiers.

“I am grateful to the Philippine Olympic Committee under the leadership of Abraham Tolentino for making a recommendation to the IOC to process my eligibility to compete in the 2024 Paris Olympic games,” dagdag ni Pacquiao.

Nauna nang sinabi ng eight-division world champion na nais niyang sumali sa 2024 Paris Olympics dahil matagal na niyang pangarap ito.