Kala ko healthy ako! Sam Milby may iniindang karamdaman

Hindi lubos akalain ni Sam Milby na mada-diagnose siya na may type 2 diabetes, sa kabila ng pag-aakala niyang siya ay healthy pa rin.

Hindi lubos akalain ni Sam Milby na mada-diagnose siya na may type 2 diabetes, sa kabila ng pag-aakala niyang siya ay healthy pa rin.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang larawan ng kanyang hindi normal na sugar level.

Aniya, nabigla siya nang sabihin ng kanyang doktor noong nakaraang taon na siya ay may diabetes.

Hindi kasi umano siya mahilig sa junk foods or sa kahit ano mang pagkain na matamis.

Bukod pa riyan, wala rin umano sa kanilang pamilya ang mayroon nito.

“l’ve always thought of myself as a healthy person. I don’t have a sweet tooth, bihira din mag junk food, pero last year I found out na may type 2 diabetes na ako. My parents and grandparents never had it. I just wish I got checked up earlier nung pre diabetes pa,” caption ng aktor.

Gayunpaman, nag-iwan ng paalala si Sam sa kanyang mga tagahanga na huwag baliwalain ang karamdaman, at agad na magpakonsulta sa doktor.

TINGNAN: