Kailangan pa rin mag-face mask: PBBM, tapos na ang isolation ngayong Disyembre 10 matapos gumaling sa COVID

“All other medical findings were unremarkable. Consequently, the President's final diagnosis is COVID-19, Recovered," sabi ng Presidential Communications Office.

Magaling na mula sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa Facebook account nito.

“President Ferdinand R. Marcos Jr is progressing well in his recovery. Today, on the fifth day of home isolation, the President is now free from cough, nasal congestion, and fever for more than 24 hours,” ayon sa post ng PCO.

Matatandaang nagpositibong muli sa COVID-19 ang pangulo noong Disyembre 5, at inilagay sa isolation sa loob ng limang araw.

“All other medical findings were unremarkable. Consequently, the President’s final diagnosis is COVID-19, Recovered. Throughout the entire home isolation period, the President was closely monitored by medical professionals,” dagdag pa ng PCO.

BASAHIN RIN: Tuloy pa rin ang trabaho mula isolation: PBBM, positibong muli sa COVID-19

Tuluyan namang matatapos ang isolation ng pangulo sa Linggo, Disyembre 10, subalit pinayuhan siyang magsuot muna ng face mask kada haharap sa publiko.

“As per DOH (Department of Health) guidelines, his five-day isolation period will end tomorrow, Sunday,” saad nmi Communications Secretary Cheloy Garafil sa isang hiwalay na pahayag.

Ito na ang pagkakataong nagkaroon ng COVID-19 si Marcos.