Kailangan magtulungan tayo! Recto, hinimok ang Kongreso na makipagtulungan sa DOF para matupad ang mandato nito

Hinikayat ni Finance Secretary Ralph G. Recto ang Kamara na ipasa agad ang mga mahahalagang reporma para matulungan ang Department of Finance na tuparin ang mga mandato nito, gaya ng pagpapababa ng utang ng bansa.

Hinikayat ni Finance Secretary Ralph G. Recto ang Kamara na ipasa agad ang mga mahahalagang reporma para matulungan ang Department of Finance (DOF) na tuparin ang mga mandato nito, gaya ng pagpapababa ng utang ng bansa.

“You already know the drill. None of these crucial measures will come to fruition without your help and backing,” saad ni Recto sa 2024 Philippine Economic Outlook Briefing and Luncheon.

Ayon sa kaniya, kasalukuyan nang inaayos at pinupulido ng DOF ang mga panukala nito bago ipresinta sa Kamara.

“I, therefore, call on our friends in Congress to partner with us in securing the immediate passage of these reforms,” aniya.

Kabilang sa mga repormang tinutukoy ni Recto ang mga sumusunod:

• Comprehensive Tax Reform Program o Real Property Valuation Reform

• Value-added tax (VAT) sa Digital Service Providers

• Rationalization of the Mining Fiscal Regime

• Single-Use Plastic Bags Tax Act

• Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy.

“These reforms will not only finance development but will reduce the deficit and our dependence on debt,” ani Recto. “Fiscal sustainability can only be achieved if we install a system that guarantees fairer and more efficient tax administration.”