Kailan ba darating ang resbak? Resupply boats ng Pilipinas patungong Ayungin, muling ginipit ng China

Dalawa sa apat na barko ng Pilipinas ang tinamaan nang bombahin ng tubig ng mga Tsino, ngunit ipinagpatuloy pa rin ang regular rotation and resupply (RORE) mission, ayon sa pahayag ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS).

Muling ginipit ng mga tropa ng China ang mga resupply boats ng Pilipinas na magtutungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ngayong Linggo, Disyembre 10.

Dalawa sa apat na barko ng Pilipinas ang tinamaan nang bombahin ng tubig ng mga Tsino, ngunit ipinagpatuloy pa rin ang regular rotation and resupply (RORE) mission, ayon sa pahayag ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS).

Kabilang sa mga barko ng Pilipinas ang M/L Kalayaan, Philippine Coast Guard ships BRP Cabra at BRP Sindangan, at civilian ship Unaizah Mae (UM) 1, ayon sa NTF-WPS.

“Today, 10 December 2023, CCG and CMM vessels harassed, blocked, and executed dangerous maneuvers on Philippine civilian supply vessels, in another attempt to illegally impede or obstruct a routine RORE to BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal,” ayon pa sa NTF-WPS.

“CCG vessel 5204 deployed a water cannon against the Philippine supply vessels causing severe damage to M/L Kalayaan’s engines, disabling the vessel and seriously endangering the lives of its crew. Currently, PCG vessel BRP Sindangan (MRRV-4407) is safely towing M/L Kalayaan back to Ulugan Bay, Palawan,” dagdag pa nito.

Tinamaan ang mast ng BRP Cabra dahil sa pagbomba ng tubig, ayon sa NTF-WPS.

Tinawag pa ng NTF-WPS na “reckless and dangerous” ang panggigipit ng mga barkong Tsino sa mga bapor ng Pilipinas

“The PCG vessels and the resupply boats Unaizah Mae 1 and M/L Kalayaan were subjected to reckless and dangerous harassment at close range by CCG and CMM vessels on their approach to Ayungin Shoal. Contrary to China Coast Guard disinformation, UM1 was rammed by CCG 21556,” ayon sa pahayag.

“The systematic and consistent manner in which the People’s Republic of China carries out these illegal and irresponsible actions puts into question and significant doubt the sincerity of its calls for peaceful dialogue. Peace and stability cannot be achieved without due regard for the legitimate, well-established, and legally settled rights of others. We demand that China demonstrate that it is a responsible and trustworthy member of the international community,” sinabi pa ng NTF-WPS.