Kahit wanted sa sex trafficking! VP Sara todo tanggol kay Quiboloy

Dagdag na sa listahan ng mga nagtatanggol kay Pastor Apollo Quiboloy si Vice President Sara Duterte.

Dagdag na sa listahan ng mga nagtatanggol kay Pastor Apollo Quiboloy si Vice President Sara Duterte.

Sa pinost na video ng Sonshine Media Network International (SMNI), nagbigay ng suporta si Sara para sa leader ng Kingdom of Jesus Christ.

Giit ng Bise Presidente, tila hindi umano patas ang ginagawang imbestigasyon kay Quiboloy ng ilang mambabatas.

“Sa mga ginagawang pagdinig ay tila pinatawan na ng guilty verdict si Pastor Quiboloy, kahit na nakabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo na nagkukubli ng kanilang katauhan at hindi mapatunayan ang kredibilidad,” ayon kay VP Sara.

“Marami sa atin ang naniniwala na ang dinaranas ngayon ni Pastor Quiboloy ay isang pandarahas at hindi patas,” aniya pa.

Saad pa ni VP Sara, dapat ay hintayin ang hatol ng korte kay Quiboloy at huwag daw itong idaan sa trial by publicity.

Si Quiboloy ay pina-cite in contempt na ng House committee on legislative franchises dahil sa hindi nito pagsipot sa mga hearing ukol sa prangkisa ng SMNI.

Sa Senado naman ay pinipigilan ng ilang mambabatas na pinangungunahan ni Senador Robin Padilla na mapadampot si Quiboloy.

Matatandaan na ipina-unseal na rin ng isang judge sa Estados Unidos ang arrest warrant para kay Quiboloy hinggil sa mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children, conspiracy at cash smuggling.