Kahit saan pa ‘yan, G kami! Bundok aakyatin, ilog tatawirin para i-rehistro ang bawat Pilipino—PSA

Umabot na sa 81 milyong Pilipino ang nagpaparehistro para sa national ID, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Tumawid na sa 81 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nagparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) ID o national ID, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)

Umabot na sa 81,005,872 ang bilang ng indibidwal na nakakumpleto sa rehistro ng kanilang pagkakakilanlan sa ilalim ng PhilSys, ayon kay Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, ang National Statistician at Civil Registrar General.

“This significant milestone was achieved through the PSA’s dedicated efforts and unwavering commitment to ensure an inclusive and accessible national identification system for senior citizens, children, persons with disability (PWDs), and Filipinos living in geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs),” sinabi ni Mapa sa isang pahayag.

“The PhilSys journey is one of dedication and determination. Reaching 81 million registrants is a reflection of our commitment to inclusivity and accessibility for all Filipinos,” aniya.

Ayon kay Mapa, pinakilos niya ang mga kawani ng PSA para puntahan ang kadulu-duluhang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng PSA on Wheels.

Ikinuwento ni Mapa na binibitbit ng mga kawani ng PSA ang mga kagamitan nito upang ilapit ang serbisyo sa lahat ng mamamayan. Sa Ilocos Norte, kinailangan pang isampa ang mga gamit sa tricycle para magtungo sa Pagudpud.

Sa Davao del Norte naman, tumawid ang mga kawani ng PSA sa Ilog Liboganon at naglakad ng tatlo hanggang apat na kilometro para maabot ang komunidad ng indigenous peoples (IP) sa Sitio Mambago ng bayan ng Kapalong, dagdag pa ni Mapa.

171 miyembro ng IP community ang narehistro sa lugar, ayon sa opisyal.

“Our goal has always been to ensure that every citizen, regardless of their circumstances, has access to PhilSys. Sisikapin namin na puntahan ang ating mga kababayan kung nasaan man sila upang maihatid ang registration services sa kanila,” sinabi ni Mapa.