Kahit politiko, pulis mananagot sa drug war! – PBBM

Maging ang mga politiko at pulis ay mananagot sa batas kung mapapatunayan na ang mga ito ay kasabwat sa pag-opera ng iligal na droga, ayon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Maging ang mga politiko at pulis ay mananagot sa batas kung mapapatunayan na ang mga ito ay kasabwat sa pag-opera ng iligal na droga, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ng Pangulo na kahit sinuman ang masasangkot sa iligal na droga ay isasailaim sa imbestigasyon, kahit makapangyarihan pa umano ito.

“Kahit sino man ang nakita natin may kasabwat dito sa drug trade, kahit sino man, kahit politiko man, powerful politician, pulis o kung sinuman ay talagang iniimbestiaghan natin,” wika ni Pangulong Marcos.

Aniya, patuloy ang kaniyang administrasyon sa pagpupursige na makipagtulungan sa mga ahensya sa iba’t ibang bansa upang mahirapan ang mga droga na ito na makapasok ng Pilipinas.

“Kailangan talaga kayod. We have to operate, we have to gather intelligence, we have to coordinate with Interpol, we have to coordinate with intelligence and drug agencies of other countries around of ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), of Asia, kung saan man nangagaling because this is an international crime,” saad pa ng Pangulo.

“Para… napakahirap magpasok ng drugs sa Pilipinas. That’s the situation that we are hoping to achieve. Pero the only way to get back is to continue to prosecute the drug (lords) but well within the law. So that cases can be filed and the syndicates can be identified, the guilty parties can be arrested and eventually imprisoned, and that is the point of what we are doing. That’s the only way to approach it,” dagdag pa nito.