Kahit panay banat ni Duterte, PBBM walang personal issue sa dating pangulo

Walang personal issue si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating pangulo Rodrigo Duterte.

Walang personal issue si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating pangulo Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit pa panay ang banat ng dating lider sa kanya.

“So, like I told you many times before, hindi ako namemersonal. Para sa akin, hindi naman madali, pero nahihiwalay ko ‘yung trabaho at saka ‘yung personal. So, I don’t see a problem there,” ani Marcos sa isang interbyu.

Sa katunayan, hangad pa rin ni Marcos na maging mabuti ang kalagayan ni Duterte lalo na nalalapit na ang kaarawan nito.

“We will, of course, wish him a happy birthday, and many happy returns. At talaga namang that is, alam mo naman tayong mga Pilipino ginagalang natin ‘yung mga very important occasions na ganiyan,” sabi ni Marcos nang tanungin kung babatiin nito ang dating pangulo.

Kamakailan ay binanatan ni Duterte si Marcos at sinabing kaya lamang ito sumusuporta sa Charter change ay pa palawigin ang kanyang termino.

Pinuna din ni Duterte ang mga foreign travel ni Marcos.