Kahit may bangayan, may unity pa rin! PBBM, buo pa rin ang tiwala kay VP Sara

Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sira na ang samahan nila ni Vice President Sara Duterte matapos ang mga patutsada ng ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte at kapatid nitong si Baste.

Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sira na ang samahan nila ni Vice President Sara Duterte matapos ang mga patutsada ng ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte at kapatid nitong si Davao City Mayor Baste Duterte.

Bagkus, buo pa rin aniya ang tiwala niya kay VP Sara.

“Well, it’s exactly the same because she has—of that nature. And, wala naman siyang sinasabi na ganyang klase. So, hindi naman nagbabago,” ani Marcos sa isang panayam sa mga mamamahayag sa sidelines ng kaniyang state visit sa Vietnam.

Dagdag pa niya, buo pa rin ang UniTeam nila ng nakababatang Duterte, na binuo ng dalawa noong 2022.

“I believe so because if you remember UniTeam is not just one party of two parties or three parties. It’s the unification of all political, hopefully all political forces in the Philippines to come together for the good country,” saad ni Marcos. “And that is still there. It is still vibrant. It is still working, and we will continue.”