Kahit laya na: Teves bawal pa rin bumiyahe – DOJ

Pinalaya na nitong Hunyo 22 mula sa house arrest si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson at Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV.

Nitong Hunyo 21 kasi, bandang alas-6 ng hapon sa Pilipinas, ipaalam ng Timorese Central Authority sa DOJ na opisyal nang natapos ang house arrest ni Teves.

Ipinaliwanag ni Clavano na bagaman pinalaya na si Teves ay magkakaroon pa rin ito ng mga restriksyon.

“We confirm the release of Teves from house arrest. However, he will strictly be not allowed to leave Timor Leste until a final ruling on his extradition has been reached,” wika ni Clavano.

Siniguro rin nito na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Timor Leste upang masigurong mabibigyan ng hustisya ang mga naiwan ng biktima.

Gayunpaman, ang pagpapalaya sa nasabing mambabatas ay sasailalim sa mahigpit na pagmamatyag.