Kahit inulan ng puna, Mariel Padilla nanindigan sa pag-gluta sa Senado

Nanindigan si Mariel Padilla, misis ni Senador Robin Padilla, na wala siyang nakikitang masama sa pagpapa-gluta drip niya sa Senado.

Nanindigan si Mariel Padilla, misis ni Senador Robin Padilla, na wala siyang nakikitang masama sa pagpapa-gluta drip niya sa Senado.

Sa TikTok live ni Mariel, pinaliwanag nito na kaya siya nasa Senado ay bilang pagpapakita ng suporta para sa Eddie Garcia bill, ang panukalang batas na naglalayong bigyang proteksyon ang mga manggagawa sa film and television industry.

Wika ni Mariel, late na natapos ang reading para sa naturang bill at hinihintay niya pa ang kanyang mister.

Saad ni Mariel, kada linggo ay may session siya ng vitamin drip tuwing alas-8 ng gabi.

Giit niya, ito ay para sa kanyang kalusugan at alam umano ng mga health professional ang nilalagay sa kanyang katawan.

“Bakit ko yan ginagawa? It is for health reasons. Kailangan po naglalagay tayo ng bitamina sa ating katawan,” saad ni Mariel.

“At yung bitamina na yan, I don’t get sick, alam mo yun ang lakas-lakas ng resistensiya ko, ang galing-galing,” aniya pa.

May session na naka-schedule si Mariel para sa vitamin drip, ngunit hindi pa tapos si Sen. Robin sa kanyang trabaho.

“Ngayon, hinihintay ko po yung asawa ko. Yung asawa ko na lagpas 8 o’clock, nagtatrabaho pa rin po,” lahad ni Mariel. “Hinihintay ko siya, so sabi ko, ‘Dito ko na lang sa Senate papupuntahin si [IV drip service].’

Giit naman ni Mariel, wala siyang nakikitang masama sa kanyang pagpapa-IV drip sa Senado.

“Na to tell you the truth, hindi ko po nakikita na kahit kaunti may mali dun sa ginawa ko, masama yung ginawa ko,” saad ni Mariel. “Hindi naman po ako nagda-drugs, na naghi-heroin ako dun. Buti kung naghi-heroin ako dun, di ba? Hindi naman po.”

Paliwanag pa niya, kaya niya binura ang kanyang post ay para respetuhin ang mga na-offend sa pagpapa-IV drip niya sa Senado.

“So, kung sa tingin ninyo mali, o masama, o na-offend kayo dun sa ginawa ko, sorry po,” wika ni Mariel.

“Pero ako, naglagay lang ako ng bitamina sa katawan. And it was 9 o’clock ng gabi, nung ginawa ko yun, after office hours po,” aniya pa.