Kahit inookray, Ogie Alcasid todo depensa kay Vice Ganda

All-out defense ang sikat na singer-TV host na si Ogie Alcasid para sa kanyang mahal at co-host na si Vice Ganda matapos maging kontrobersyal ang umano'y pang-ookray nito sa kapwa host sa noontime show na "It's Showtime."

All-out defense ang sikat na singer-TV host na si Ogie Alcasid para sa kanyang mahal at co-host na si Vice Ganda matapos maging kontrobersyal ang umano’y pang-ookray nito sa kapwa host sa noontime show na “It’s Showtime.”

Sa kanyang X account, ipinahayag ni Ogie na hindi niya uurungan ang pagtatanggol sa kanyang kaibigan at ipaglalaban niya ito sa lahat ng pagkakataon.

“This is long overdue. There is a friend i know who comes to work only having the sole intention of making people happy. This person takes it all- for the team, for the show, and for the madlang pipol,” saad sa tweet ni Ogie.

“This is why i stand for this friend of mine imperfect as she is. Love you meme @vicegandako,” dagdag pa ni Ogie.

Matatandaan na ay nagsimula ang kontrobersiya nang kumalat sa social media platforms ang umano’y pambabara at pang-ookray ni Vice kay Ogie na kilala sa kanyang witty at comedic flair.

Ayon sa ilang netizen, ang brash at edgy style ni Vice ay offensive, lalo na sa kanyang mga co-host. Ito rin ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng “demolition job” kay Vice matapos magtrending ang kanyang pagbawi ng “sorry” sa isang searchee ng segment na “Expecially For You” na umano’y nagnakaw ng halik.