Kahit hulicam: PBA player Almazan itinanggi panunuhol sa enforcer

Pinasinungalingan ng basketbolistang si Raymond Almazan na tinangka niyang suhulan ang enforcer na sumita sa kanya sa pagdaan sa EDSA Busway kamakailan.

Pinasinungalingan ng basketbolistang si Raymond Almazan na tinangka niyang suhulan ang enforcer na sumita sa kanya sa pagdaan sa EDSA Busway kamakailan.

Nitong Lunes ay sumuway si Almazan sa batas-trapiko kung saan gumamit siya ng EDSA Busway.

Batay sa video na inilabas ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), nang sitahin si Almazan ay naglabas ito ng pera para iabot sa enforcer na sumita sa kanya.

Itinanggi naman ng Meralco Bolts center ang paratang bagamat aminado siyang sinuway niya ang batas-trapiko.

“Yung wife ko kasi akala niya puwede naming bayaran yung violation about that. She’s giving me two P500 na sabi niya bayaran ko na raw para makaalis na kami. Kasi nga akala niya mababayaran namin yung violation namin on the spot,” paliwanag ni Almazan.

Tiniketan si Almazan para sa Disregarding Traffic Sign at Failure to carry OR/CR.