Kahit bad shot kay FL: PBBM solid pa rin tiwala kay VP Sara

Walang nagkikitang sapat na dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sibakin bilang education secretary si Bise Presidente Sara Duterte.

Walang nagkikitang sapat na dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sibakin bilang education secretary si Bise Presidente Sara Duterte.

Ito’y kahit pa ‘bad shot’ na si VP Sara kay First Lady Liza Marcos.

“Why? I don’t see the reason behind that,” wika ng pangulo.

“Any of the Cabinet secretaries will be replaced kapag hindi nila ginagawa ‘yung trabaho nila. All the other things are not part of the discussion,” ayon pa kay Marcos.

“Kapag hindi talaga marunong o corrupt, tatanggalin ka talaga namin. Hindi naman ganoon si Inday,” dagdag pa niya.

Matatandaang inihayag ng First Lady na masama ang kanyang loob kay VP Sara dahil sa pagdalo nito sa mga rally kung saan tinuligsa ang pangulo.