Kahirapan sa ‘Pinas haka-haka lang! – Gadon

"Haka-haka lang nila 'yan." Ayan ang sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ukol sa mga nagsasabing patuloy ang kahirapan sa Pilipinas ngayon.

“Haka-haka lang nila ‘yan.”

Ayan ang sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ukol sa mga nagsasabing patuloy ang kahirapan sa Pilipinas ngayon.

Ayon kay Gadon, hindi masasabing naghihirap ang bansa sapagkat marami pa ang makikita sa mga mall at fast food chain. Bukod pa riyan ay marami rin umanong nakabibili ng sariling sasakyan.

“Sa totoo lang ‘yang mga nagsasabi na napakahirap ng buhay ngayon ay sila lang ang nagsasabi niyan, haka-haka lang nila ‘yan,” pahayag nito.

“Pero ang katotohanan, magpunta ka sa mga mall, punong-puno. Pumunta ka kahit sa mga probinsya, yung mga branches ng [fast food chains], punong-puno. Ibig sabihin, mataas ang purchasing power ng mga Pilipino. Lumabas ka ng kalsada, napakaraming bagong kotse, napaka-traffic. Anong ibig sabihin niyan? Maraming nakakabili ng kotse, which means maganda ang ekonomiya,” dagdag pa nito.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang poverty rate ng bansa sa 22.4% sa unang kalahati ng 2023.