Kagawad nabanas sa mga tumotoma, pinaputok baril

Hindi nakontrol ng isang kagawad ang kanyang sarili matapos itong magpaputok ng baril sa tapat ng kanilang bahay.

Hindi nakontrol ng isang kagawad ang kanyang sarili matapos itong magpaputok ng baril sa tapat ng kanilang bahay.

Kinilala ang kagawad na si Jaime Domingo, residente ng Panghulo, Malabon.

Nakunan sa video ang pagpapaputok ng baril ng kagawad, kung saan makikitang may kinumprota itong ilang lalaki na nag-iinuman.

Ayon sa pulisya, nainis umano ang kagawad dahil hindi iniligpit ng mga lalaki ang kanilang kalat matapos mag-inuman sa tapat ng kanilang bahay.

Dito nagawang magpaputok ng baril ang kagawad, na inamin ding nakainom siya bago takutin ang ilang kalalakihan.

Kinasuhan naman ng alarm and scandal at grave threat ang kagawad.