Kadiri! NAIA Terminal 3 pinasok na rin ng ipis

Hindi lang pala mga surot at daga ang gumagala-gala ngayon sa loob ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 3.

Hindi lang pala mga surot at daga ang gumagala-gala ngayon sa loob ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 3.

Ito’y matapos maispatan ng isang netizen ang isang ipis na gumagapang sa upuan ng naturang paliparan.

“‘Di lang pala surot ang meron sa NAIA T3!” saad sa TikTok post ng netizen na si Jay Walking Tours.

Ang video ay pinost kahapon at mayroon na itong mahigit 379,000 views sa kasalukuyan.

Naiipit sa isyu ang NAIA sa ngayon matapos madiskubre ang surot sa ilang upuan ng Terminal 2 at Terminal 3.

Bukod pa rito, napag-alaman din na may mga daga pa na paikot-ikot lang sa Terminal 3.

@jaywalkingtours Di lang pala surot ang meron sa NAIA T3! 🫣😱🫣😱🫣 #surot #NAIA #Airport #BedBugs #NAIABedBugs ♬ ぐだぐだな感じ – yuki