Kabog sa vog: Mahigit 100 sa Calabarzon, apektado ng volcanic smog – OCD

Umabot sa 112 na medical consultations ang naitala ng Office of Civil Defense sa Calabarzon patungkol sa mga komplikasyon na dulot ng volcanic smog (vog) noong Setyembre 22.

Umabot sa 112 na medical consultations ang naitala ng Office of Civil Defense (OCD) sa Calabarzon patungkol sa mga komplikasyon na dulot ng volcanic smog (vog) ng Taal na bumalot sa Calabarzon nitong Biyernes, Setyembre 22.

Agad namang nakipagtulungan ang OCD sa Department of National Defense (DND) para mas mainam at mabisang response operations para sa mga naapektuhan ng vog.

“Everything is manageable. Medical resources are available in the region as well as the other needs. The national government is always ready to support the local government units and the affected areas,” pagtitiyak ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Sinabi rin ni Nepomuceno na napilitang magsuspindi ng klase sa 45 na siyudad at munisipyo dahil sa Batangas, Cavite, at Laguna dahil sa masamang hanging dulot ng vog.

Kaugnay rin nito, pinaalalahanan ni Nepomuceno ang publiko na sundin ang mga babala ng Department of Health at Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa mga nasabing pagkakataon upang manatiling ligtas palagi.