Kabog na kabog sa Handog Pakabog! P640-M jackpot sa Super Lotto 6/49, tinamaan ng isang mananaya

Ang grand prize sa Super Lotto 6/49 ay P640 milyon (P640,654,817.60), o mas mataas ng P70 milyon sa napanalunan ng isa ring maswerteng mananaya sa Ultra Lotto 6/58 noong Disyembre 2023. Ang winning combination nito ay 26-33-14-48-06-42 .

Napanalunan na ng isang mananaya ang pinakamalaking jackpot sa kasaysayan ng lotto matapos mahulaan ang kumbinasyong 26-33-14-48-06-42 sa bola ng Super Lotto 6/49 nitong Martes ng gabi, Enero 16, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang grand prize sa nasabing bola ay P640 milyon (P640,654,817.60), o mas mataas ng P70 milyon sa napanalunan ng isa ring maswerteng mananaya sa Ultra Lotto 6/58 noong Disyembre 2023.

BASAHIN RIN: Paldong-paldo ang Bagong Taon nito! Isang mananaya, nakopo ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto

Parehong nagsimula sa P500 milyong ang jackpot ng Super Lotto 6/49 at Ultra Lotto 6/58 nilang bahagi ng Handog Pakabog ng PCSO.

Tanging ang Grand Lotto 6/55 na lamang, na nagsimula rin sa P500 milyon ang grand prize noong Disyembre, ang hindi pa nakukuha.

Lumobo na sa mahigit P680 milyon ang premyo nito. Samantala, walang nakakuha sa grand prize ng Lotto 6/42 at Ultra Lotto 6/58.

BASAHIN RIN: Legit ‘tong lotto ng PCSO! Mananayang nasolo ang P571-milyong jackpot sa 6/58, aminadong naengganyo lang ng ‘Handog Pakabog’