Kababaihan libre sakay sa LRT-2, MRT-3 sa Marso 8

Magkakaroon ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihan sa darating na Marso 8, upang ipagdiwang ang Araw ng Kababaihan.

Magkakaroon ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihan sa darating na Marso 8, upang ipagdiwang ang Araw ng Kababaihan.

Ayon sa inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA), magsisimula ang libreng sakay sa LRT-2 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Samantala, ayon naman kay Jorjette Aquino, Transportation Assistant Secretary for Railways, magkakaroon din ng kaparehong serbisyo ang MRT-3 para sa mga kababaihan sa kaparehong oras.

“It’s only fitting that we pay tribute and support our women especially on their special day,” pahayag ni Aquino.