K to 12 graduates, aalalayan sa panukalang batas

Inihain sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong tulungan ang mga K to 12 graduate na sumakto ang kanilang pinag-aralan sa pangangailangan ng labor market.

Inihain sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong tulungan ang mga K to 12 graduate na sumakto ang kanilang pinag-aralan sa pangangailangan ng labor market.

Si Las Piñas City lone district Rep. Camille Villar ang naghain ng House Bill 9808 o Batang Magaling Act. Sakaling maging batas, aatasan ang bawat lokal na pamahalaan na pag-aralan kada tatlong taon ang demand ng labor market sa kanilang lugar upang dito iayon ang work immersion ng mga estudyante ng senior high school.

“This bill seeks to reinforce the K to 12 program objective by ensuring that SHS graduates are equipped with the knowledge, training, and skills demanded in the labor market, whether they have chosen the higher education, middle-level skills development, employment, or entrepreneurship exit, thereby enhancing their employability and competitiveness in the workforce,” pahayag ni Villar.

“The government must make sure that SHS students are ready for employment when they finish the K to 12 program. It is imperative that we arm them with the commensurate knowledge and skills that would make them employable and competitive,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang senior high school system sa Pilipinas ay binubuo ng apat na strands: Accountancy, Business, and Management (ABM); General Academic (GA); Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM); at Humanities and Social Sciences (HUMMS).