JV Ejercito nirekomenda si Angara bilang DepEd Sec

Iminungkahi ni Senator JV Ejercito si Sen. Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd), matapos magbitaw ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pwesto noong Hunyo 19.

Iminungkahi ni Senator JV Ejercito si Sen. Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd), matapos magbitaw ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pwesto noong Hunyo 19.

Sa platform X, sinabi ni Ejercito na isa si Angara sa maayos na pagpipilian bilang kalihim ng naturang ahensya.

Kaya naman umaaso umano siya na mapipili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kapwa mambabatas.

“Sen. Sonny Angara would be a good choice for DepEd secretary. Hope he will be considered,” saad ni Ejercito sa X.

Nagkomento naman dito si Angara ng praying hands.

Si Angara ay nasa ikalawa at huling na nitong termino sa Senado. Magtatapos ang kanyang termino sa 2025.

TINGNAN: