JV Ejercito binawi pagtutol sa pag-aresto vs Quiboloy

Binawi ni Senador JV Ejercito nitong Huwebes ang kanyang pagtutol sa contempt order laban kay Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Binawi ni Senador JV Ejercito nitong Huwebes ang kanyang pagtutol sa contempt order laban kay Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Kasama sina Sen. Robinhood Padilla, Cynthia Villar, Imee Marcos, at Christopher “Bong” Go, isa si Ejercito sa mga unang pumirma sa sulat na tumututol sa kaso laban sa Pastor.

Ngunit sa hapon ng parehong araw, sinabi ni Ejercito na binabawi na siya ng kanyang naging desisyon.

Aniya, matapos maingat na pagsusuri sa mga testimonya ng mga saksi at karagdagang impormasyon, tulad ng mga paratang ng panggagahasa sa huling pagdinig ng komite, nagpasya siyang bawiin ang kanyang paglagda.

“After thoughtful contemplation, I would like to respectfully inform you of my intention to withdraw my signature affixed in the document objecting against the contempt order directed towards Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy,” ani Ejercito.

“Serious allegations of rape during the last committee hearing of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality have prompted me to carefully review the facts, witness testimonies and additional information. Recently, I was also informed that the Department of Justice is already pursuing charges of sexual abuse, and qualified trafficking versus Pastor Quiboloy. This brought me to the decision to withdraw my signature,” dagdag pa ng Senador.