June 17 idineklarang ‘regular holiday’ sa paggunita ng Eid’l Adha

Idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Hunyo 17 bilang regular holiday para sa pagdiriwang ng Eid'l Adha o Feast of Sacrifice.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Hunyo 17 bilang regular holiday para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ito ay matapos lagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa utos ng Pangulo, ang Proclamation 579.

Base rin umano ito sa rekomendasyon ng National Commission on Filipinos, kung saan sinusunod ang 1445 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Sa Eid’l Adha, kumikitul ng tupa, kambing, baka, at kamelyo ang mga Muslim upang gunitain ang kahandaan ni Propeta Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak ayon sa utos ni Allah.