Joy Belmonte: Huwag kaagad husgahan si Mike Rama

Suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Cebu City Mayor Mike Rama sa kabila ng isyung kinakaharap nito dahilan para masuspende ito ng anim na buwan.

Suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Cebu City Mayor Mike Rama sa kabila ng isyung kinakaharap nito dahilan para masuspende ito ng anim na buwan.

Ayon kay Belmonte, dapat kilalanin ang integridad at karakter ni Rama na mahusay na nagsilbi sa kanyang nasasakupan.

“We know Mayor Rama to be a person of integrity and character, who serves his constituents with exemplary leadership and dedication,” ayon kay Belmonte.

Naniniwala rin si Belmonte sa patas na justice system sa bansa, kabilang na rito ang ‘presumption of innocence.

“We must bear in mind that accusations do not define a person’s life, especially that of Mayor Rama, who has spent his in public service,” wika pa ng alkalde.

Nakiusap ang mayora ng QC na huwag kaagad husgahan si Rama at hintayin na manaig ang hustisya.

“We respectfully urge everyone to consider Mayor Rama’s character and contributions before forming any judgments,” saad ni Belmonte.

Si Rama ay pinatawan ng anim na buwang preventive suspension dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng sahod sa apat na empleyado ng City Hall.