Jodi Sta. Maria, proud 10K finisher!

Proud ang aktres na si Jodi Sta. Maria na natapos niya ang kanyang kauna-unahang pagsali sa isang race competition.

Proud ang aktres na si Jodi Sta. Maria na natapos niya ang kanyang kauna-unahang pagsali sa isang race competition.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jodi ang kwento sa kung paano niya naisipan na sumali sa karera.

Aniya, noong una ay sinubukan niyang tumakbo para maghanda sa isang role na kanyang gagampanan bilang artista.

Dito ay sumagi umano sa kanyang isip na sumali sa isang race, ngunit pinangungunahan aniya siya ng pagdududa sa sarili.

Subalit, hindi katagalan ay nakumbinsi siya na mag-register sa isang competition, kung saan iba’t ibang emosyon ang kanyang naramdaman.

“I started running late last year to prepare for a role. During training, nalisip ko what if sumali ako sa race? But I would always tell myself hindi ko kaya.”

“Until I mustered the courage to sign up for one which I only told a handful of people kasi nahihiya ako. I thought sasabihin ko nalang sa iba pag tapos na. Then I got injured ‹ — sa ibang storytime na ito.”

“So crossing the finish line of my first 10K was an emotional experience for me. It hasn’t been an easy journey and there were a lot of doubts if I could ever reach this point. Every step was a reminder of the countless hours doing therapy (kahit hindi naman ako atleta!) the frustration of setbacks, and determination to rise above it all kahit kinakabog ang dibdib!” kwento ng aktres.

Sa huli pinasalamatan ni Jodi ang lahat ng sumuporta sa kanyang pagtakbo. Sinabi rin ng aktres na ito na ang huli niyang pagsali sa isang karera.

TINGNAN: