Jobless rate bumaba sa 1.6M noong Disyembre 2023

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, nabawasan ng 617,000 ang jobless individuals kumpara sa 2.22 milyon sa kaparehong panahon noong 2022.

Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa huling bahagi ng 2023.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumama sa 1.6 milyon katao na nasa edad 15 pataas ang walang trabaho noong December 2023.

Mababa ito sa 1.83 milyon na naitala noong Nobyembre ng kaparehong taon.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, nabawasan ng 617,000 ang jobless individuals kumpara sa 2.22 milyon sa kaparehong panahon noong 2022.

Umangat din ang employment rate sa 96.9% o katumbas ng 50.52 milyon na Pilipinong nagkaroon ng trabaho na mataas sa 49.64 milyon noong Nobyembre 2023.