JK Labajo mahilig sa beauty queen!

Tinukso ng mga netizen ang singer na si JK Labajo dahil sa kanyang bagong girlfriend na si Dia Mate.

Tinukso ng mga netizen ang singer na si JK Labajo dahil sa kanyang bagong girlfriend na si Dia Mate.

Kasali kasi si Dia sa Miss Universe Philippines 2024, kung saan nirerepresenta niya ang Cavite.

Dahil dito’y humiling ng suporta si JK para iboto ang kanyang girlfriend na sumabak sa swimsuit competition ng beauty pageant.

“Please vote and support me bb MS CAVITE through the MUPH app yey salamat,” post ni JK.

Maraming netizen ang humirit na dati na rin daw ginawa ito ni JK sa kanyang ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz.

Dating sumali si Maureen sa Miss Universe PH 2021, kung saan tumapos itong 1st runner-up.

Nagkahiwalay naman ang dalawa noong 2022.