Jinggoy kaya tutol sa divorce bill: Debotong Katoliko ako!

Muling binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang dahilan ng kanyang mariin na pagtutol sa Absolute Divorce Bill.

Muling binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang dahilan ng kanyang mariin na pagtutol sa Absolute Divorce Bill.

Aniya, bilang isang debotong Katoliko, sinusunod niya lang ang turo ng kanilang simbahan.

“I adhere to the teachings of our Catholic Church. Period. Yun lang yung sa akin,” pahayag nito sa Kapihan sa Senado nitong Martes.

Pero sa halip na magpasa ng batas sa diborsyo, sinabi ni Estrada na dapat gawing mura at madaling makuha ang annulment para sa mga mahihirap.

Dahil dito, sinabi ni Estrada na hindi umano prayoridad ng Senado ang panukalang batas sa diborsyo.

“Mabigat. Talagang dadaan sa butas ng karayom,” giit pa nito.