Jinggoy, JV salungat pananaw sa divorce bill

Magkaiba ang pananaw ng magkapatid na sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senator JV Estrada ukol sa usaping diborsyo.

Magkaiba ang pananaw ng magkapatid na sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senator JV Estrada ukol sa usaping diborsyo.

Ayon kay JV, bagaman pinalaki siyang Katoliko, naiintindihan niya umano na ilan sa mga mag-asawa ay nakakulong sa isang kasal kahit wala ng pagmamahal.

“I understand the defense of the Church of the sanctity of marriage but I also know that a lot of Filipino couples are trapped in loveless and unworkable marriages. It is not their fault,” ani JV.

“As a representative of the people and a Catholic, I am currently in the process of discernment. I intend to listen, and actively participate in the deliberation in the Senate. I am leaning at this time to be in favor,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, nagpahayag naman si Jinggoy ng pagtutol sa naturang batas. Aniya, mas makabubuti kung maghahanap na lang ng ilang alternatibo para sa pagpapawalang-bisa ng kasal.

“I have been and still am not in favor of legalizing divorce in our country. Instead of pushing for an absolute divorce law, which is proscribed by the Constitution, perhaps a bill with a well-defined ground for nullifying a marriage would be a much welcomed alternative,” wika nito.

”Imbes na divorce, bakit hindi na lang natin pag-aralan kung paano mas katanggap-tanggap at mapapagaan ang proseso ng pagkuha ng annulment ng kasal?” saad pa ni Jinggoy.

Noong Mayo 22, inaprubahan ng House of Representatives ang kontrobersyal na panukalang batas sa huling pagbasa nito, kung saan mahigit 131 mambabatas ang pumabor at 109 ang hindi pumabor.