Jinggoy Estrada kontra sa pagtestigo ni ex-PDEA agent Morales

Hindi aprub kay Senador Jinggoy Estrada na tumayong testigo ng Senate Committee on Dangerous Drugs ang dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent na si Jonathan Morales.

Hindi aprub kay Senador Jinggoy Estrada na tumayong testigo ng Senate Committee on Dangerous Drugs ang dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent na si Jonathan Morales.

Ayon kay Estrada, lantad na ang pagiging sinungaling ni Morales kaya’t hindi na ito dapat maging testigo pa.

Naniniwala umano si Estrada na sayang lang ang oras kung pakikinggan pa si Morales, na nahatulan ng dishonesty at grave misconduct nang magtanim ng ebidensya sa ilang drug operation. Dahil sa mga naturang kaso, si Morales ay walang natatanggap na retirement benefits.

Si Morales ay tumetestigo sa Senado hinggil sa PDEA links, kung saan nakaladkad ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilegal na droga.

Una na ring binalewala ni Marcos si Morales dahil sa reputasyon nito na pagiging sinungaling.