Jinggoy Estrada: BF ni Guo nagpapatakbo ng POGO sa Tarlac

Nanindigan si Senador Jinggoy Estrada na ang live-in partner ng kontrobersyal na si Mayor Alice Guo ay nagpapatakbo ng iligal na Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.

Nanindigan si Senador Jinggoy Estrada na ang live-in partner ng kontrobersyal na si Mayor Alice Guo ay nagpapatakbo ng iligal na Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.

Tinanong ni Estrada ang alkalde kung mayroon ba itong karelasyon na namamahala sa POGO sa naturang bayan, sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Aniya, nakatanggap umano kasi siya ng mga ulat ukol sa pagppatakbo ng live-in partner ni Guo, na isang alkalde sa Pangasinan.

“Because I have received a very reliable information that you have a live-in partner that ­manages POGO operations in your town,” pagsisiwalat ni Estrada.

Ngunit, mariing pinabulaan ni Guo ang sinabi ni Estrada, iginiit din nito na wala umano siyang karelasyon na isang politiko.

“Basta your honor wala akong bf, wala akong partner,” pagdidiin nito.

Samantala, hindi naman pinangalanan ni Estrada ang tinutukoy na mayor mula sa Pangasinan.