Jennie nag-sorry sa viral vaping incident

Agad nag sorry ang Kpop Superstar na si Jennie ng Blackpink, matapos mag viral ang video nito na nag vi-vape habang inaayusan sya.

Agad nag sorry ang Kpop Superstar na si Jennie ng Blackpink, matapos mag viral ang video nito na nag vi-vape habang inaayusan sya.

Sa statement na inilabas ng record label na Odd Atelier, personal na rin daw na humingi ng tawad si Jennie sa mga staff.

“Jennie acknowledges and deeply regrets her mistake of vaping indoors and causing inconvenience to the staff,” bahagi ng pahayag ng OA entertainment.

“Jennie has personally apologized to all the staff on-site who may have been affected,” dagdag pa nito.

Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng South Korea ang paninigarilyo at pag-vape indoors at may parusang multa ng hanggang ₩100,000 ($72; £56).