Jeepney driver na namahiya ng pasahero, yayariin ng LTFRB

Pinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang jeepney driver na nagpababa ng pasahero dahil sa timbang nito.

Pinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang jeepney driver na nagpababa ng pasahero dahil sa timbang nito.

Naglabas ng show cause order ang LTFRB para pagpaliwanag ang driver tungkol sa reklamo ng pasahero.

Nag-viral sa social media ang video kung saan maririnig na pinabababa ng tsuper ang isang babae dahil mabigat umano ito.

Sinisi pa ng driver ang babae kaya umano na-flat ang kanyang gulong.

Inutusan ng LTFRB ang driver na dumalo sa hearing sa Biyernes, June 14, dahil sa posibleng paglabag nito sa Safe Spaces Act.